Magpinsang buo sina Kristie at Trixel. Mas matanda si Kristie kat Trixel ng dalawang taon, pero sa lahat ng magpipinsan sila lang dalawa ang tanging magkasundo simulat sapul pa ng mga bata pa sila.
Sa probinsiya sila sa Tarlac lumaki. Ang pamilya ni Trixel ay lumipat sa Manila nung si Trixel ay Grade 5 dahil sa pagkadestino ng kanyang ina sa Manila at ang pagpasok ng nakakatandang kapatid sa kolehiyo. Kahit na magkahiwalay na ang mag-pinsan, sa tuwing bakasyon ay sila naman ang magkasama. Kung minsan, sina Trixel ang umuuwi sa Tarlac; at kung minsan, si Kristie ang lumuluwas sa Manila para makapagbakasyon.
Ang tanging kapatid ni Trixel ay 6 na taon ang tanda sa kanya kaya hindi niya ito masyadong pansin. Malaki ang age-gap nilang magkapatid. Kaya kung tutuusin mo, mas magturingang magkapatid pa ang magpinsang Kristie at Trixel, dahil sa kanilang closeness.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento