Junior- Seniors Prom sa Sabado, pagkatapos nyan ay mga college students na kami nang mga ka batch ko pagdating nang March; punyeta!!! Kaso lagpak ako sa subject na Physics sigurado mag sa summer ako. Hay!!! Bakasyon sana ako sa probinsya hinde matutuloy dahil lamang jan sa Physics na yan. Pinakiusapan ko homeroom titser ko wala daw syang magagawa na pakiusapan si Ms. Garcia na titser ko sa Physics. Masaya ang dating nang aming JS Prom feeling mga talagang adults na kami, inuman at higit sa lahat tumira kami nang damo at bogsa na bogsa ang barkada, pasado alas 12 na ay isa-isa nang nagsiuwian ang mga tao, dahil sa Linggo pa bukas ay nagyaya ang isa kong barkada na ituloy ang inuman duon sa bahay nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento