May concert ng mga artista na papanoorin ng magkabarkada pagkatapos ng kanilang klase. Matagal na pinag-planohan ni May ang okasyon para may masayang gimik silang magkakaibigan. Si May na rin ang bumili ng mga tickets sa kanilang lahat at babayaran na lang ng iba. Pitong tickets ang binili ni May para sa kanya, kay Leyla, Maja, Rachelle at Cheri. Kasama na rin ang isang ticket para kay Robert sa kagustuhan ni Maja. Ang isang ticket pa ay para kay Arnel na kabarkada nilang bakla. Ngunit nang araw na ng concert ay nag text si Maja na hindi siya makakapunta dahil may bisita daw sila sa bahay. Pati si Robert ay hindi na rin pupunta at babayaran na lang daw niya ang 2 tickets.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento