Sa kada sabong ay nananalo ako ng beinte hanggang otsenta pesos. Kung tutuusin, maliit na halaga lang 'yan sa ngayon ngunit tatlong dekada na ang nakakaraan ay malaking halaga na 'yan kaya nabibili ko halos lahat ng gustuhin ko. Doon nagsimula ang hilig ko sa pakikipag-pustahan.
Upang mas tumaas pa lalo ang tsansa kong manalo ay ginagawa ko ang mga payo ng kaibigan ko para mas maging malakas at matapang ang alaga kong gagamba…
Ginugutom ko ang mga alaga ko isang araw bago ang laban nila para hayok sila sa pagpatay sa makakalaban nila. Sinusunog ko ang kanilang mga itlog pati na mga anak matapos iyon ay ipalalanghap sa kanila ang usok upang mas lalo silang maging mabangis!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento