Duon siya mabilis na tumayo, pinulot ang mga damit na hinubad at nagmamadaling pumunta sa banyo para magbihis. Inis na inis sa sarili, anong klaseng babae siya na muntik pumatol sa kaibigan ng lalaking minamahal. Ano nalang ang tingin nito sa kanya, babaeng kaladkarin?
At baka sa oras na ito ay sinasabi na niya kay El-Husein ang muntik nang mangyari sa kanila.
Feeling niya ay marumi siyang babae, walang kwenta at malandi.