Emily
It was sept.2000 isang taon bago bumagsak ang world trade center sa new york, napunta na ako dito sa saudi.First time kong mangibang bansa bilang isang nurse.Pagka graduate ko sa Nursing ay nag apply ako sa isang hospital dito sa manila pero dahil sa liit ng sweldo at kulang sa pantustos sa sarili ko ang sweldo ko kaya naisipan kong mangibang bansa.May nakapag sabi sa akin na may bagong tayong hospital sa saudi at mahigit sa 300 na nurse ang kailangan.Isa ako sa pinalad madali naman akong nakaalis dahil kumpleto ako sa papeles at in good health naman ako kaya pasado ako sa medical exam.So in a week time lipad kagad ako sa saudi.Maganda ang facility ng hospital,maganda ang salary at ang isa pang pinaka maganda ay ang accomodation namin magkasama kasi ang babae at lalaki sa isang village or compound.