Mag-isa lang ako ngayon sa bahay ng mga Paredes. Wala ang pamilya nila,nagbakasyon ng isang linggo sa Baguio. Ang mga katulong ay pinagbakasyon rin muna. Wala rin trabaho dahil naka ischedule na magbabakasyon sila Sir Joel. Ayos lang naman ako ang naiwan sa bahay,solo ko ang lugar at makakapagpahinga rin kaya aakyat muna ako sa kwarto para matulog.
Sa third floor ang kwarto ko. Sa third floor rin nakalagay ang ilang props at kagamitan para sa trabaho.
Habang paakyat ay nadaan ako sa second floor. Sa palapag na ito ang
kwarto ng pamilya. Narito ang tig-iisang kwarto ng magkakapatid at isang
kwarto naman para sa mag-asawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento