Morning class

Pagtingin ni Marie sa kanyang relo, nakita niyang 6:30 pa lang. Napangiti siya; maaga na naman siyang nakadating sa iskuwelahan. May oras pa siya para mag-review bago ang kanyang unang subject.Papunta na siya sa library nang may tumawag sa kanya. “Marie!”
Napatingin si Marie sa likod niya. Nakita niya ang kanyang professor, si Mr. Villalobos, isa sa mga bigating prof sa kanyang kurso.
“Good morning, sir,” bati ni Marie sa kanyang prof. “Mukhang maaga din ang pasok ninyo.”
“Oo nga,” sagot sa kanya ni Mr. Villalobos. “Kasi di ko pa natatapos tignan yung mga assignment na pinasa ninyo kahapon. Nagka-brownout kasi sa amin. Ikaw—saan ang punta mo?”
“Sa library, sir. Mag-rereview lang po at baka may graded recitation sa klase ni Ma'am Roces.”
“Ah, okay.” Napatapat sila sa C.R. ng babae.

Read more...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento