Lumaki ako ng nakatira sa bahay ng Lola ko dahil ang nanay ko ay matagal ng nagtatrabaho sa ibang bansa at ang tatay ko naman ay maagang namatay noong sampung taon palang ako. Ang pangalan ko ay Jane. 19 years old na ako ngayon, maputi ang balat, may taas na 5’4 at Lagpas sa balikat ko ang haba ng buhok ko. Hindi ako mataba at hindi rin ako payat. Katamtaman lang ang katawan ko. Masasabi kong maganda rin ako dahil minsan na akong nakasali sa beauty contest nung high school ako. Nakatira ako sa bahay ng lola ko sa side ng Nanay ko. Panganay si Mama sa kanilang apat na magkakapatid. Puro lalaki na ang sumunod sa kanya at lahat ay may pamilya na. Bale meron akong tatlong tyuhin na may mga edad na 45, 43 at 40. Sa tatlong yon, isa sa kanila ang problemado ang asawa sa kanya lalo na ang lola ko. Siya si Tito Rio, edad 43 na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento