Walong taon na kaming nag migrate dito sa amerika at kasama ko ang misis kong dumating dito, na petisyonan kami ng parents ko na dito narin nakatira sa queens new york. Nakatira kami sa isang two stories family house na pinamana sa akin ng mga magulang ko na tumatanggap nalang ng pension galing sa gobyerno at dun nalang daw sila sa pilipinas magreretiro dahil di na nila kaya ang lamig ng winter dito. Nagtatrabaho ako sa post office habang yung misis ko naman ay isang nurse na nagtatrabaho sa ospital habang yung dalawang anak naman namin ay naiwan sa pinas dahil na over age na ito at naghihintay nalang sa visa nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento