Isa akong project engineer sa isang malaking construction firm dito sa makati.Tawagin nyo na lang akong SAM…37 years old na at may 3 anak na.Siyempre may asawa na ako at nakatira dito sa Quezon City.Marami na kaming nagawang project dito sa Manila at kabilang dito ay ilang nagtataasang building sa Ortigas at Makati..Isa sa gawain ko ay ang mag ikot sa mga ongoing projects namin upang mag inspection.Dahil dito madalas kong nakakasalimuha ang mga foremans ng bawat project tuwing meeting sa site.Isa si mang fred na kinagigiliwan kong foreman dahil sa bukod sa napakabait ay madaling nakakasunod sa mga instructions ko at may diskarte.Isang araw habang nasa site ako ay nilapitan ako ni mang fred ,breaktime nuon kayat nakapagkuwentuhan kami.Sa gitna ng aming usapan ay niyaya niya ako at inimbita sa nalalapit nilang kapistahan sa kanilang probinsya sa Mindoro.Tinanong ko kung kailan yung nasabing okasyon at sinabi niyang sa susunod na lingo na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento