“Putang inang buhay ito, kung gusto mo ikaw na lang mag-isa. Wag mo na ko abalahin sa pagtulog ko”.
Hay!
Kay aga-aga, eto na naman ang aksyon sa bahay. Ang kawawang hipag ko,
si ate Mae, isang System Analyst sa isang tanyag na accounting firm sa
makati, batok at bulyaw na naman ang inabot sa kanyang asawa. Di
lumilipas ang isang araw na hindi mabubulyawan at masasaktan ng
desperado nyang kabiyak
Si Von, dating pulis, asawa ni ate Mae. Sampung taon ang agwat ng
kanilang edad. Natanggal sa posisyon dahil sa isang anomalya at tuluyan
ng inalisan ng karapatang maging pulis. At sa kasamaang palad pa, naging
baldado ang kalahati ng katawan dahil sa stroke gawa ng sobrang
pag-inom mula ng alisin sya sa serbisyo. May isang anak si ate Mae kay
Von, si Maricar, pitong taong gulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento