Dahil sa Boksing

Ako si Cherry 24 taong gulang nakatira kami ng mister ko sa isang multi story apartment. Pareho kami nag-uupisina ni mister, ako sa isang maliit na kumpanya na pagmamay-ari ng aking byenan at si mister naman ay isang accountant sa isang real estate developer. Mahigit isang taon pa lang kami kasal pero di pa rin ako nabubuntis kaya naman na maintain ko ang katawan ko.

Araw nang Linggo, late ako nagising dahil masarap magbabad sa kama. Wala ang mister ko sa tabi ko paggising ko siguro ay nasa mga kaibigan niya sa kabilang apartment. Bumangon ako at nagpunta sa kusina, nakita ko pinagkainan ng magaling kong asawa. Kumain ako mag-isa at pagkatapos ay tumuloy sa banyo para maligo. Pagkatapos ko mag-shower ay inipon ko ang mga madudumi naming damit at inilagay sa washing machine. Pinuno ko nang tubig at nilagyan ng sabon, pero ng paandarin ko na sana ay ayaw gumana . Ilang beses ko hinugot at isinaksak ang kable ng kuryente sa socket pero ayaw pa rin. Pano ba to sabi ko sarili ko, ang dami-dami ko pa naman isinalang at ayaw ko masira ang mga kamay ko para labhan ko lahat ng mga damit na ito ng manu-mano.

Read More...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento