Dalagita

 "Angheeeeelllaaaaaaa!!!!" pasuray suray na atungal ni Mang Kadyo bago pa man
pabalagbag na binuksan ang pinto. Pasuray suray na sumalampak ito sa upuan
at kandaikot ang paningin bunga ng kalasingan. Galing si Mang Kadyo sa
kanyang kumpare na kamakailan lamang ay dumating para magbakasyon buhat sa
bansa ng mga Arabo. Sapagkat kilala sa iskinita bilang batikang manginginom
hindi niya pinalampas na hindi bisitahin ang kumpare. Kahit pa hindi siya
imbitado, lalo na't natunugan niyang ang ibang mga kumpare niya ay paparoon
sa balikbayan at nasisiguro niyang isa itong umaaktibong inuman. Tunog pa
lang binuksang tapon ng agua de demonyitoay tiyak na lilingunin niya.

Read More...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento