Noong mga huling araw ko sa eskwela ay kumalat sa buong school na may boyfriend na ang mestisahing crush ng bayan. Ilang beses kong kinailangang mag-explain sa mga kabarkadang ayaw tanggapin ang katotohanang nobya ko na ang dalaga.
Hindi raw posibleng ang isang katulad kong hamak na tao lang ay makapag-nobya ng isang diyosang katulad ni Fides. Pero siyempre makikita mong masaya na rin sila para sa akin. Nakikita kasi nilang tuluyan ko nang nabitawan ang mga demonyong pilit akong pinapabagsak.
Yun nga lang at noong sinabe ko sa mga kaibigan ko na marami raw gustong bumugbog sa akin dahil inagaw ko sa kanila ang pagkakataong ‘maging maligaya’. Napapangiti na lang ako kahit kinakabahan dahil alam kong pwede talagang mangyari yun.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento