Compound

Simple lang ang aking panonood, basta't tahimik lamang ako na nakatitig sa monitor ng television. Maya maya ay naramdaman ko na may umupo sa aking tabi, dahan dahan kong sinipat ang aking katabi sa gilid ng aking mata at laking gulat ko na si Tiya Lucy pala iyon. "Hi Justin" bati ni Tiya Lucy na sinamahan pa ng napakagandang ngiti. "Errrr Hi din Tita, nood tayo ganda ng palabas" patukoy ko sa palabas na sinamahan ko ng ngiting takot na takot. "Oo nga ganda ng palabas no" tugon ni Tiya Lucy pero napansin ko na may pagkakadiin ang tono ng pananalita nita sa salitang palabas. Hindi na ako umimik at nakiramdam na lamang, hinihintay ko kung ano ang gagawin ni Tiya Lucy. Salamat naman at di na umiimik. Sa di niya pag imik, butil butil ang aking pawis, di sapat ang 18 inches na industrial fan na umiikot sa salas ni Tiyo Ramil. Batid kong alam ni Tiya Lucy na asiwang asiwa ako.

Read More...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento