Silip

Dala ng kahirapan ay napililitan si cherry na mamasukan bilang yaya ng anak ng isa nilang malayong kamag anak. Nasa dubai ang mga magulang ng bata na inaalagaan niya, sa lola lang ito naiwan at wala itong ibang kasama sa bahay kaya napilitan ang mga ito na kumuha ng tagapag alaga. Dalawang taon pa lamang si kirk, ang batang alaga ni cherry at halos 70 anyos na si lola isay. Malaki ang pagkakaiba ng bahay ni lola isay at sa bahay nina si cherry, masikip at maingay sa kanilang tenement house samantalang dito sa subdivision kung saan naninirahan si lola isay ay tahimik at mangilan ngilan pa lamang ang nakatira. Mahigpit din ang guard sa gate at hindi basta basta nagpapapasok. Sa block na kinatatayuan ng bahay ni lola isay ay halos wala pang nakatira, bakanteng lote ang bahaging kanan ng bahay at sa kaliwa naman ay ang bahay ng mag asawa na may dalawang anak na sa tingin ni cherry ay kapwa estudyante sa kolehiyo dahil lingguhan ang mga ito kung umuwi. May bakod na hanggang dibdib sa pagitan ng bahay ni lola isay at ng mag asawa. Sa kabilang kalye naman ay may tatlong bakanteng bahay na hindi pa niya nakikita kung sino ang may ari, sabi ni lola isay ay taga maynila daw ang may ari ng mga 

Read More...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento