Ako si Gemma, 22 years old at nagtatrabaho sa isang branch ng isang sikat na banko dito sa Caloocan bilang teller. Sa Quezon City ako nakatira at may inuupahang apartment dun. Meron akong boyfriend, si Isaac, at minsan ay dun siya sa apartment ko natutulog. Maliit lang ako, nasa 5 flat lang ang height ko, lampas balikat ang itim na buhok, matangos ang ilong, mapungay ang mata. Maputi ako ay makinis ang balat. Sa pangangatawan naman ay hindi naman ako payat ngunit hindi din seksi, hindi rin ako chubby, sakto lang na medyo malaman. May itsura naman ako.
Gaya ng sinabi ko, meron akong boyfriend. Mag-3 years na kami. Pero hindi tungkol sa kanya ang kwento ko. Oo, may affair ako sa ibang lalaki bukod sa boyfriend ko. Siya si Kuya Roland, isa sa mga guard namin sa banko. Kung tutuusin, malayo talagang magustuhan ko siya. Mas matanda siya sakin ng halos doble ng edad ko: 22 ako at siya naman ay 43 na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento