Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Cecilia me asawa at isang anak, labing-limang taon na kaming kasal ni Adolfo at binayayaan kami ng isang anak na pinangalanan naming Arthur. High school sweetheart ko si Adolfo at dahil narin sa sobrang sabik namin sa isat-isa noon dahil di kami legal sa mga parents namin, patago kaming nagkikita sa labas noong nasa college na kami at sa sobrang pagmahalan namin na humantong sa pagbubuntis ko sa anak naming si Arthur na ngayon ay nag-aaral na sa high school.
Mabait na asawa si Adolfo, gumagawa sa gawaing bahay, maasikaso, pagsiya ang unang maka-uwi ng bahay siya na ang nagluluto at nag-aasikaso sa anak namin. Pagdating sa sex life ay di naman ito nagkulang sa akin halos gabi-gabi nagtatalik kaming dalawa maliban lang siguro pag me dalaw ako. Mainit kami sa isa't-isa bagay na kinaiinis ng anak namin dahil minsan naglalambingan kami ng asawa ko sa sala habang nanonood kami ng tv. Wala akong maisusumbat sa ugali ng asawa ko kasi simula pa nung mag bf/gf pa lang kami hindi ako nakatikim ng ano mang physical na abuso or ano mang sakit na galing sa kanya bagay na gusto ko sa kanya dahil pasensyoso ang asawa ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento