Napansin ng lalake si Shane. Napatingin ito sa dalaga. Kapagdaka'y muli nitong hinarap ang ginagawang bubungan. Binilang ni Shane ang mga gumagawa roon. Walo silang lahat kasama na ang lalakeng ngayon lamang niya nakita. Muling bumalik si Shane sa kanilang bahay at dahil alas onse na sa mga oras na iyon ay agad niyang tinungo ang ref. Naghanap siya ng pwede niyang iluto na pananghalian. Nakita niya roon ang isang pack ng jumbo hotdog. Favorite iyon ng dalaga. Inilabas niya iyon sa ref at iyon ang iluluto niya bilang pananghalian niya at nga mga trabahador.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento