Ako si Renren. Maria Renata ang buong pangalan ko, pero walang nakakatawag sa akin nun maliban sa nanay ko kapag galit siya. Renren lang, o kaya “Ren” sa mga kaibigan ko sa court. 22 years old na ako, at kung titingnan mo ako sa lansangan, maikling-maikli ang buhok na parang lalaki pero mataas talaga ito, naka pusod lang, lagi din akong naka-oversized jersey, baggy shorts, rubber shoes na puro putik at siguradong iisipin mo talagang, “Tomboy ‘yan. Walang duda”
Hindi ako nagme-makeup. Hindi ako nag-aayos. Hindi ko nilulugay buhok ko. Hindi ako nagsusuot ng damit na pang-babae maliban kung talagang pinipilit ako sa mga okasyon tulad ng kasal o libing. Mas komportable ako kapag nakikita akong parang isa sa mga lalaki na walang pressure na maging maganda, walang titig na nakakabother, walang expectations na maging sweet o mahinhin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento