Kaka amin nya lang sakin na nagdadalang tao sya. Isang balitang napakabigat pakinggan. Graduating kami pareho sa highschool at dahil sa matindeng kapusukan ay nadala kaming pareho sa agos ng ligaya. At ito ay nagbunga. Ano pa nga ba ang ine expect mo kapag madalas kayong magsex ng nobya mo at walang gamit na proteksyon.
Ngayon ay narito sya at humihingi sa akin ng tulong. Natatakot syang malaman ito ng kanyang mga magulang. Sya pa naman daw ang inaasahan ng kanyang pamilya na mag aangat sa kanilang estado sa buhay. Pero hinde nila na isip ang isang bagay. Bakit mo iaasa sa iba ang paghihirap mo di ba? Anak mo man sya, may karapatan din syang pumili sa gusto nyang gawin sa buhay nya at hinde maging isang alila na pinalaki mo para mag expect kang susuklian nya ang ginawa mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento