Kapalit ng Panloloko

Ako nga pala si Mariano. Sa edad kong bente-dos noon, nag-aalaga na ako ng mga hayop. Mayroon akong kambing, baka, at manok. Dahil binata pa ako noon, okey lang sa akin ang ganoong buhay kahit halos walang masyadong kita. Pero nang makilala ko ang aking asawang si Lizel noong dumayo kami ng pinsan ko sa isang fiestahan, unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na agad na gusto ko siya.

Dayo rin sa probinsya namin si Lizel; taga-Laguna raw ito pero sa Maynila ipinanganak. Gusto rin daw nitong maranasan ang buhay sa probinsya, kaya sa tulong ng mga pinsan niya, nakarating siya sa liblib naming lugar. Maganda si Lizel, maputi, at kahit walang make-up ay lutang ang natural na ganda nito. Ang pinsan ko na si Alan ang unang nakapansin kay Lizel dahil sa kakaiba nitong kasuotan na hindi katulad ng mga babae sa aming lugar.
Dito sa amin, kapag marami kang alaga at mayroon kang lupa, medyo nakakaangat ka sa buhay. Tulad ko, hindi naman kami naghirap dahil sa lupang namana ko sa aking mga magulang. Dahil dalawa lang kaming magkapatid at ako pa ang lalaki, halos ako na ang nag-aalaga ng lupa at taniman. 

Read more pinoy sex stories: https://tagalogmalibogstories.blogspot.com/ 


Kaya sa edad kong bente-dos, marunong na akong magpalakad ng palayan ni Tatay noon. Si Tito naman ang dating kasama ni Tatay sa palayan, kaya nang mamatay si Tatay, si Tito na ang madalas kong lapitan dahil siya ang mas maraming alam tungkol sa pagtatanim.
Lalong naging malapit kami sa isa't isa ni Tito. Kaya noong naging kasintahan ko si Lizel, si Tito rin ang madalas kong kasama; isa pa, siya ang parang adviser ko sa aking mga alaga at taniman.
"Tama 'yan, Laloy. Dumikit ka sa Tito mo para magpaturo ka kung paano magparami ng anak," sabi ng kapitbahay namin habang nag-iinuman kami ng tuba. Matindi naman kasi talaga itong si Tito—anim na ang anak pero humabol pa!
"Ano ka ba, hindi lang sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop 'yan, magaling si Tito! Kahit sa babae, matinik din 'yan," sabi pa ng isa naming kapitbahay.
Totoo naman, dahil noong dumadalaw ako kay Lizel, sabay naman na pumoporma si Tito sa tiyahin ni Lizel para lang malibang. Si Tito ang madalas na pambato ko sa kuwentuhan dahil halos hindi ito nauubusan ng sasabihin.
"Pare, nanganak na ba ang inahing baboy mo?" tanong sa akin ni Pareng Cecilio.
"Oo pare, medyo makakabawi yata tayo ngayon. Maraming anak at malulusog lahat," sagot ko kay pare.
"Mabuti pa nga 'yang alaga mo na baboy, nanganak na. Ako, kailan kaya mabubuntis?" biglang sabat ni Lizel sa usapan namin.
"Oo nga naman, Pareng Mariano. Bakit parang hindi mo yata natsatsambahan si Mare? Nakadalawang anak na ang inahin mo, si Mare ay wala pa," biro pa ni Pareng Cecilio.
Sa sinabi ni pare, napatingin tuloy ako sa aking magandang asawa. Oo nga naman—kahit limang taon na kaming kasal ni Lizel, ay hindi pa rin ito nabubuntis. Ginagawa ko naman ang lahat, pero wala talaga.
"Pareng Cecilio, turuan mo nga itong si Mariano kung paano gumawa. Gusto ko pa naman sana ng maraming anak," sabi pa ni Lizel na parang naiingit kay Pareng Cecilio dahil sa dami ng anak nito.
Kaya naman nang mag-inuman kami ni pare, ikinuwento niya sa akin ang mga ginagawa nila ni mare para masiyahan ito at hindi tumanggi sa kanya.
"Pare, susubukan ko 'yan," sabi ko kay pare. Pero sa loob-loob ko, sana magawa ko. Kapag pagod kasi ako—lalo na galing sa maghapon na trabaho—ay hindi ko na nayayakap man lang ang aking asawa at nakakatulog na agad ako. Kaya hindi ko na napapansin na naliligo pala muna ang aking asawa.
"Tinulugan mo na naman ako! Paano tayo makakarami ng anak niyan?" reklamo ni Lizel sa akin minsan isang umaga nang magising ako. Medyo nalasing kasi ako sa inuman namin ng mga tauhan ko sa babuyan.
Dahil bihira na akong pumunta roon at si Pareng Cecilio na ang madalas kong pinagkakatiwalaan sa babuyan habang si misis na lang ang madalas niyang kasama dahil abala na ako sa taniman—matapos ang ilang linggong pag-ulan ay napansin ko na nadadalas na ang pagpunta ng aking asawa sa babuyan, na dati naman ay ayaw niya dahil sa mabahong amoy.
May ginagawa kasi akong kubo doon para pahingahan ng mga nag-aalaga, at ako rin kapag napupunta doon. Medyo malayo kasi sa bahay ang babuyan namin at isang oras na lakaran pa, minsan ay sakay ako ng aking motor. Dati, dito lang sa harap ng bahay ko ang mga baboy ko, pero dahil sa reklamo ng mga kapitbahay sa amoy, napilitan akong ilayo ito. 
Kaya si Pareng Cecilio ang madalas na nandoon, at si misis ay pumupunta minsan. Pero ang pinagtataka ko, nadadalas na ang punta ni misis sa babuyan kahit wala namang gagawin doon. Pinababayaan ko na lang para naman malibang at matuto rin sa mga ginagawa roon.
"Oh, bakit parang masaya ka yata?" bati ko isang umaga sa aking asawa. Pupunta kasi ako sa babuyan natin.
"Oo nga pala, ngayon pala ang pag-bolog ng inahin. Sayang, hindi ako makakasama, may kakausapin kasi ako na buyer natin ng baboy."
"Di bale, nandoon naman si Pareng Cecilio," sabi ng misis ko. At iyon na ang madalas na nangyayari.
"Pare, kumusta si Mare, buntis na ba?"
"Hindi pa rin pare, hindi matsambahan," ang sabi ko sa kumpare ko rin na si Larry.
"Pare, may sasabihin sana ako, pero sana 'wag mo masamain, ha."
Sa narinig ko kay pare, napatingin ako sa kanya. "Bakit pare, ano 'yun?" parang kinabahan naman ako.
"Eehh, Pare, kasi... sabi kasi ng misis ko, nakita daw kasi niya si Cecilio saka si Mareng Lizel doon sa babuyan ninyo na magkasama, at hindi lang niya sigurado kung ano ang ginagawa..."
"Aah, akala ko kung ano na, kinabahan naman ako!" sagot ko kay Pareng Larry. Si Pareng Cecilio na kasi ang pinapatao ko doon sa babuyan, at si Mare mo ang madalas na pinapupunta ko dahil abala ako sa palayan.
Pero pag-aalis ko mula sa kausap kong buyer ng baboy namin, napaisip ako sa sinabi ni Pareng Larry. Parang may gusto siyang ipahiwatig sa mga sinabi niya.
"Tanghali na, hindi ka ba pupunta sa babuyan? Nag-iinject yata sina Pareng Cecilio ngayon doon," sabi ko sa aking asawa.
"Medyo masama ang pakiramdam ko, parang masarap matulog pa. Saka baka buntis na ako," sagot ni Lizel.
Sa sinabi ni misis, napatingin ako sa kanya. "Totoo? Buntis ka na? Ilang buwan na?"
"Hindi pa sigurado, siguro mga tatlong buwan na ito."
"Cge, cge, 'wag ka nang magagalaw dyan, at ako na lang ang pupunta sa babuyan," sabi ko pa sa aking misis sa sobrang excited ko dahil sa nalaman ko na maaaring buntis na ang aking asawa.
Kaya ako na lang ang pumunta sa babuyan. Inabutan ko si Pareng Cecilio doon na nagpapaligo ng mga baboy.

Read more pinoy sex stories: https://tagalogmalibogstories.blogspot.com/

 
"Oh pare, akala ko hindi ka makakapunta?" tanong niya.
"Eh si Mare mo, masama ang pakiramdam. Baka buntis na yata." Pero ng sabihin ko 'yun, napatingin bigla si Pareng Cecilio sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at dire-diretso na ako sa kubo namin.
Pero pagpasok ko sa loob, nagulat ako sa aking mga nakita. Bakit parang maganda ang higaan ko na papag? Saka bakit may unan at kumot dito, eh wala naman akong dinalang ganyan? Bakit parang may madalas na natutulog dito?
Natigil lang ang pag-iisip ko nang magsalita si Pare. "Pare, hindi pala dumating ang gamot na gagamitin natin sa baboy, baka sa Lunes pa raw. Saka nga pala pare, may hihilingin sana ako. Kailangan kasi ng anak ko pambili ng gamit sa school, baka pwedeng pahiramin mo ako," sabi ni Pareng Cecilio sa akin.
"Ikaw naman pare, walang problema. Ilang buwan pala simula ng ikaw ang mag-alaga dito?" tanong ko kay pare, may pumapasok kasi sa isip ko.
"Mga tatlong buwan na pare."
Napaisip agad ako sa sinabi ni pare. 'Yun din kasi ang sabi ni Lizel na buwan na buntis siya.
"Ahh sige, mamayang hapon daan ka sa bahay. Wala kasi akong dalang pera dito, nakay Lizel ang pera."
"Sige pare, salamat. Pero pwede ba, ngayon ako pumunta sa bahay ninyo? Kailangan na kasi ng anak ko bukas," pahabol pa ni Pareng Cecilio.
"Sige pare, punta ka doon, nandoon naman si Mare mo. Ako na ang bahala dito," sabi ko pa kay pare, sabay umalis na ito.
Pero habang ako na lang mag-isa sa kubo, napapaisip ako. Lalo na sa mga sinabi ni Pareng Larry, may punto ang sinabi nito at parang nagtutugma sa mga nakikita ko. Lalo na bakit may kumot at unan dito? At sakto na tatlong buwan si Pareng Cecilio sa pag-aalaga ng baboy ko, at iyon din ang simula ng madalas na pagpunta ni misis dito sa babuyan. Isa pa, sakto rin na magtatatlong buwan na buntis si Lizel.
Sana lang ay hindi totoo ang nasa isip ko, sabi ko pa sa aking sarili habang naglalakad ako pabalik sa bahay. Isa pa, parang nawalan ng gana si Pareng Cecilio kanina nang makita niya ako—si misis kaya ang inaasahan niyang darating kanina? O baka naman hindi lang mga baboy ko ang binobologan ni Pareng Cecilio, baka ang magandang misis ko ay pinakikialaman din ni pare kaya nabuntis na ito?
Matapos ang mga sinabi ni Pareng Larry sa akin tungkol sa aking misis at kay Pareng Cecilio, nagduda na rin ako. Dahil sa madalas na pagpunta ni misis sa aming babuyan kahit wala itong gagawin, at alam ko na araw-araw ay nandoon si pare. 
Kaya habang naglalakad ako papauwi ay napapaisip ako. 'Wag naman sana na magkatotoo ang aking hinala dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari ang ganu'n—ang pakialaman ng aking kumpare ang aking magandang asawa.
Pero may alinlangan din ako, dahil hindi naman ganu'n ang pagkakakilala ko kay Lizel. 
Bukod kasi sa matanda na si Pareng Cecilio, ay lagi pa itong madungis na kabaliktaran naman sa gusto ng aking asawa. Madaling mandiri si Lizel, kaya nga ayaw niya sa babuyan dahil sa mabahong amoy. Si Pareng Cecilio naman ay kahit maligo araw-araw ay parang hindi man lang natatanggal ang libag at mga putik sa katawan—siguro dahil na rin sa araw-araw niyang trabaho sa bukid tapos magpapaligo pa ng mga baboy.
Ang maganda lang kay Pareng Cecilio, kahit may edad na ito ay napakalakas pa at kita mo talaga sa katawan na parang bato ang mga masel sa tigas. Kaya kapag fiesta sa amin, si Pareng Cecilio ang madalas na nananalo lalo na sa karera na may buhat-buhat na dalawang sako ng palay na tila ba napakadali lang sa kanyang itakbo. Kaya nga binabansagan siyang "Hercules" sa aming baryo. Alam ko na kahit may edad na si Pareng Cecilio ay may mga babaeng lihim ding nagkakagusto sa kanya, kaya bantay-sarado talaga palagi si Mareng Mona sa kanya.
Kaya bago pa ako umabot sa bahay, nawala na ang pag-isip ko ng masama sa aking asawa, at malamang ay nagkataon lang ang mga 'yun.
"Dumaan pala si pare kanina dito, naghiram ng pera. Pero dahil hindi pa natin siya nababayaran sa nakaraang buwan, ay 'yun na lang ang ibinigay ko," sabi ng misis ko ng dumating ako ng bahay.
"Ang aga mo yata maligo ngayon?" tanong ko kay Lizel nang mapansin ko na basa ang buhok nito at tila katatapos lang maligo. Nasanay kasi ako sa kanya na gabi na naliligo, eh alas-kuwarto pa lang ng hapon 'yun.
"Aah, ang init kasi kanina kaya naligo na agad ako. Siguro ganito talaga ang pakiramdam ng buntis," sagot naman ng misis ko. Hindi na lang ako umiimik dahil baka kung ano pa ang maisip ko.
"Bukas pala ay papunta ako ng bayan, kukunin ko ang pang-vaccine sa mga baboy natin. Baka gabi na ako makauwi, saka sabay ko na rin kasi ang permit na kailangan para sa babuyan. Kinausap na kasi ako ni Kapitan na kailangan may permiso tayo sa munisipyo," paalam ko sa asawa ko.
"Isasama mo ba si Pareng Cecilio?"
"Hindi na, walang magpapakain ng mga baboy bukas. Hindi pa raw makakabalik si Toto, may sakit ang nanay." Si Toto kasi ang kinuha ko na taga-pakain ng mga baboy lalo kapag wala si Pareng Cecilio.
Kinabukasan nga ay maaga akong lumakad para mag-abang ng unang trip ng jeep papunta sa bayan. Hindi ko na rin ginising si Lizel, kinabit ko na lang ito na aalis na ako. Tumango naman ito, at inunawa ko na lang ang asawa ko dahil alam ko na mahirap gumising ang buntis.
Mga alas-syete ng umaga ay nasa bayan na ako at naghintay pa ako na magbukas ang alas-otso ang munisipyo para kumuha ng permit. Madali lang pala kumuha; matapos ko kasing magbayad ay binigyan na agad ako ng permit, at dadalaw na lang daw sila sa babuyan ko, pero hindi naman nila sinabi kung kailan. Kaya umalis na ako at nakuha ko na rin ang vaccine para sa mga baboy. Pero dahil wala pang biyahe ng jeep paakyat sa lugar namin, naghintay pa ako, at sigurado na hapon o gabi na ako makakauwi talaga, sabi ko sa aking sarili.
"Pareng Mariano!" sigaw na naririnig ko, kaya hinahanap ko ang boses. "Saan ka pupunta?" biglang lapit ni Pareng Larry sa akin.
"Naghihintay ako ng jeep paakyat sa atin."
"Sabay ka na sa akin, mamaya pa 'yan, hapon pa ang biyahe."
Natuwa naman ako sa alok ni Pareng Larry dahil dala niya ang kanyang pampasuwerteng habal-habal na motor. "Mabuti pala pare at nakita mo ako, kung hindi baka gabi na talaga ako makauwi. Sana pare nagsabi ka sa akin kahapon para nasabay na kita kanina pagbaba ko," kuwentuhan namin ni Pareng Larry habang binabagtas namin ang maputik na daanan pauwi sa aming barangay. Ang habal-habal kasi ang pinakamabilis na transportasyon sa amin.
Sakto, bago mag-tanghali ay nasa bahay na ako, kaya hindi na ako kumain sa bayan dahil alam ko na magluluto 'yun si Lizel ng ulam.
"Paano pare, dito na ako, salamat ha!"
"Okey lang pare, sa susunod ulit," paalam pa ni Pareng Larry.
Ako naman ay naglakad papunta sa bahay namin na hindi naman kalayuan. Pero pagdating ko ng bahay, bakit sarado? Alam ko naman na hindi aalis si Lizel. Pagpasok ko ng bahay, nakita ko na parang walang nagluto dahil naabutan ko na walang laman ang kaldero sa lamesa. Asan kaya ang aking asawa?
Kaya muli akong lumabas at nagpalinga-linga. "Mariano, sinong hinahanap mo?"
"Aah, Manang Maria, napansin mo ba ang asawa ko?"
"Aah, si Lizel? Nakita ko kanina na sinalubong ko 'yun kaninang umaga, parang papunta yata sa babuyan ninyo. Parang magkasunod lang yata kayo na umalis," sabi pa ni Manang Maria na pinakamalapit kong kapitbahay.
"Sige po, salamat."

Read more pinoy sex stories: https://tagalogmalibogstories.blogspot.com/

Kaya matapos ko mailapag ang mga gamit ko, nagsalang ako ng mainit na tubig para makapag-kape man lang. Siguro ay pumunta muna si Lizel sa babuyan. Di bale, susunod na lang ako doon para madala ko na rin ang mga gamot at nang maagang makapagbakuna si Pareng Cecilio.
Matapos ko maubos ang kape, lumakad na ako papunta sa babuyan namin. Pero malayo pa lang ako, naririnig ko na ang ingay ng mga baboy na tila ba mga gutom na ito. Kaya ng malapit na ako, dumaan ko sa imbakan ng pagkain ng baboy sa likod lang din ng kamalig na ginawa ko.
Pero kahit na maingay ang mga baboy, may naririnig akong tila ungol at parang umuuga ang kubo sa loob. Dahil nasa likod ako, sumilip ako mula sa ilalim; at dahil kawayan lang ang sahig nito, nakita ko ang dalawang tao na tila abala sa kanilang ginagawa. Kaya umikot muna ako, at mula sa siwang ng dingding ay sumilip ako.
Nanglaki ang aking mga mata sa aking nakita!
Ang aking asawa, nakahiga sa papag at parang wala ito sa sarili na kapit na kapit sa kawayan na haligi, habang si Pareng Cecilio ay tila nakikipagbuno sa kalabaw sa lakas ng pagbayo! At ang papag na may manipis na sahig na kawayan ay halos mabali na.
Natulala ako at halos hindi makagalaw sa aking nakikita. Si Pareng Cecilio, na singkuwenta anyos na, at ang aking asawa, na bente-singko anyos lang, ay magkasama sa aking papag at sabay ang bawat galaw nila! Ang kumpare ko na pinagkakatiwalaan ko na mag-alaga ng aking babuyan at magpakain nito, ay iba pala ang kinakain, pati ang misis ko ay inalagaan din! Ang babuyan ko ay tuluyan nang binaboy ng dalawang taong ito.
Tumutulo na ang luha ko habang nakatingin pa rin ako sa kanila at hindi ako makagalaw. 
"Mga taksil kayo!" ito na lang ang nabanggit ko at napaupo na lang ako sa may silong na parang nauupos na kandila, na halos kasabay nina Lizel at Pareng Cecilio na nanghina dahil naramdaman ko ang pagtigil ng uga at mahinang hingal ng hinga ni pare.
"Mare, hindi talaga ako magsasawa na pumunta dito sa babuyan, kahit araw-araw pa," sabi ni Pareng Cecilio na naririnig ko. "Mabuti hindi nakakahalata si Pareng Mariano sa 'yo."
"Sabi pa nito, hindi ko alam... siguro, baka nagdududa na 'yun. Eh kasalanan naman niya, may pera nga siya pero hindi naman niya maibigay ang ligayang kayang mong ibigay, pare," sabi pa ng aking asawa, na lalong nangliit ang aking pagkatao. Ito pala ang tingin nila sa akin! 
Sabi ko pa sa mya sarili, minsan nga nagyaya sa akin si Mariano, hindi ko na pinagbigyan, wala na kasi akong gana. Ang laki kasi ng katawan mo at kahit may edad ka, ay talo mo pa si Mariano na Parang kang alak pare, habang tumatanda gumagaling at sumasarap. Sana lagi tayong ganito, ang sabi ng aking asawa kay Pareng Cecilio na malinaw na naririnig ko.
Habang nakalugmok ako sa lupa at hindi ako halos makapaniwala, kaya pala madalas nagpupunta dito ang aking asawa, at kapag gabi ay wala na itong gana sa akin—dahil sinisimsim na pala ni Pareng Cecilio ang kanyang lakas!
"Pare, isa pa, maaga pa naman, mamaya pa naman gabi 'yun darating si Mariano," sabi ng asawa ko. "Magpakain na tayo ng baboy, maingay na sila," naririnig ko na sabi ni Pareng Cecilio.
"Ikaw talaga, sabi ba ng aking kumpare.
Pero makalipas ang ilang minuto, parang nahimasmasan na ako. Kinapa ko ang karet na pang-tabas ng palay sa may gilid ng dingding pero wala akong makapa. At sa muling pagsilip ko, nakita ko na muli ang aking asawa na nagpapakain na na parang baboy; si Pareng Cecilio naman ay abala sa pagsimot ng pagkain na nakahatag sa papag at tila gutom na gutom din na baboy. 
Kaya kita ko ang laki ng katawan ni pare, kaya nagdadalawang-isip ako na bulagain sila dahil alam ko na hindi ako mananalo kay pare kahit sa suntukan man lang.
Hindi ko alam, pero bakit wala man lang akong makita na kahit kapirasong pamalo man lang na maaaring panlaban? Pero alam ko na na tama ako, kaya nilakasan ko ang mya loob na pumasok sa kubo dahil alam ko na ito ang tama.
"Mga taksil!" ito ang sigaw ko ng bigla akong pumasok sa loob.
Nasorpresa ang aking asawa at si Pareng Cecilio. Kaya sa gulat ni pare ay hindi na nito magawang makakilos, kaya ang posisyon niya ay nanatili, samantalang ang aking asawa ay yumakap na lang kay Pareng Cecilio at tinakpan ang mukha.
"Binaboy ninyo ang babuyan ko! Ikaw pare, paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita para maging katulong ko sa pag-aalaga ng baboy ko, pero bakit ang misis ko ay binaboy mo rin at kinain? Ikaw naman, Lizel, kunwari na nadidiri ka sa putik at baho, pero mismong putik at baho ang kinakain mo!" sunod-sunod na sabi ko habang patuloy na tumutulo ang aking luha.
Pero hindi ko nagawang maging bayolente siguro dahil hindi naman sila kumilos at nagsalita. Tinanggap na lang ni Pareng Cecilio at misis ko ang masasakit na salita na binitiwan. Hanggang sa lumabas na muli ako ng kubo ay hindi pa rin nahihiwalay sina pare at ang misis ko, na parang bang na-lock na sila sa isa't isa.
Sumigaw na lang ako ng napakalakas sa gitna ng babuyan namin dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Umuwi ako ng bahay na dala ang gigil at galit, at inasahan ko na susunod si Lizel sa akin. Pero umabot na ng alas-syete ng gabi ay wala pa rin ito. Para malaman ko kung nandoon pa rin sila, nag-utos ako para pakainin ang baboy namin; pero nakabalik na si Toto at wala naman sinabi ito. Kaya buong magdamag akong nag-isa sa bahay kasama ang isang galon ng tuba, habang naghihintay ako sa pagbabalik ng aking asawa.
Napakasakit ng ginawa ng aking asawa at ni Pareng Cecilio, lalo na't narinig ko pa na mas gusto pala ng aking asawa ang araw-araw na ayuda ng aking kumpare. Dahil ba sa malaki at malakas si Pareng Cecilio, na 'yun pala ang gusto ng misis ko—ang kinakabayo siya ng malakabayong katawan? Na kahit na halos kalahati ang agwat ng edad nito sa kanya, dahil sa malakas umararo ang kumpare, kaya 'yun ang pinili niya?
Kung alam ko lang na gusto pala ng misis ko ang maladelubyong pag-atake, at gusto rin pala niya na katulad ng baboy na pinapakain... ito ang mga salitang lumalabas sa aking bibig, parang nasisiraan na ako ng ulo dahil kinakausap ko ang aking sarili habang alak ang aking kasama.
Bakit kaya hindi ko sila nasaktan sa kabila ng galit ko? Noon, naiisip ko pa lang na lolokohin ako ng aking asawa ay nag-iinit na ang aking pakiramdam at parang sasabog na ang aking dibdib. Pero bakit kanina, hanggang salita lang ang aking nagawa? At lalo pa silang nakakaloko dahil hindi man lang mereka naghiwalay, kaya ang masasakit na salita na ang ibinigay ko sa kanila. Pero nanatili pa rin ni Pareng Cecilio na nakabaon ang poste sa lupa habang ang aking misis ay nakatihaya, at parang ako pa ang nahiya kaya ako lumabas ng kubo!
Pero sa kabila ng mga sinabi, hindi pa rin mereka naghiwalay; marahil ay tinapos pa nila pero ako pala ang walang magagawa.
"Bakit mo nagawa sa akin ito, Lizel? Binusog naman kita ng pagkain, kahit na nasa liblib tayo na baryo ay hindi ka nakaranas ng hirap sa akin, bagkus prinsesa pa ang turing ko sa 'yo," sabi ko pa habang patuloy na umiiyak. "Bakit ako ang talunan, samantalang ako ang tunay na asawa? Paano na lang kung tuluyan nang umalis si Pareng Cecilio at ang asawa ko? Paano na ang aking babuyan at taniman? Paano kung buntis ang aking asawa?"
Ito ang huling mga salita na tanda ko bago ako tuluyang nakatulog dahil sa tama ng lambanog.
"Mariano, Mariano!" ang malakas na boses ang naririnig ko habang hirap akong makabangon sa dami ng nainom ko na alak. At pagtingin ko sa paligid, wala pa rin ang mya asawa.
"Mariano, pinasok yata ng magnanakaw ang babuyan mo! 'Yung ibang baboy, nakalabas ng kulungan!"
Sa narinig ko, kahit masakit ang aking ulo ay pilit akong tumayo at lumabas. Agad akong tumakbo sa mga alaga ko na baboy. Pagdating ko doon, sira ang kulungan at wala na ang ibang baboy. Mabuti na lang at ang iba ay hindi lumayo, kaya sa tulong ni Toto ay naipasok namin ang lahat ng nakatakas. Pero nang bilangin ko ito, kulang ng tatlo. Kaya umikot pa kami sa mga kakahuyan sa pagbabakasali na makita namin doon.
Pero sa totoo lang, iba ang hinahanap ng mata ko—si Pareng Cecilio at ang asawa ko. Saan kaya sila nagpunta? Ayaw ko naman na magtanong kay Toto tungkol sa kanila, dahil kapag nalaman nila ang ginawa nina Pareng Cecilio at Lizel, tiyak na pag-uusapan ako. Kaya mas pinili ko na lang na tumahimik.
"Sino kaya ang nagmagnanakaw dito sa atin? Sa liit ng baryo natin, kilala natin lahat ang tao dito, kaya malamang isa sa mga taga-rito ang nagnakaw," ang usap-usapan ng mga tao sa amin dahil sa nangyari.
Pero lumipas pa ang gabi, ay hindi na nagpakita pa ang mya asawa, maging si Pareng Cecilio. Kahit galit ako kay pare, awa pa rin ang nanaig sa akin, lalo na sa mga anak niya na sa kanya lang umaasa. Hindi man sabihin ng mga tao sa amin ang nangyari, parang nabubuo na sa isipan nila na tumakas at nagsama na si Pareng Cecilio at ang asawa ko, at malamang ay nagdala pa ng baboy para ibenta bilang kanilang pang-gastos.
Kahit kasi hawak ni Lizel ang pera namin, ay hindi naman niya ito nadala dahil nakatago pa rin ito sa taguan namin.
"Pare, noon pa man ay duda na talaga ako sa dalawang 'yun, lalo na ng makita ng asawa ko na magkasama si Cecilio at Mareng Lizel doon sa kubo sa may babuyan mo," sabi ni Pareng Larry sa akin.
"Napakatanga naman ng asawa mo, Mariano. Nasa maayos na buhay na siya, lumipat pa para maging miserable," sabi pa ng kapitbahay namin.
"Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Lizel 'yun, baka may mabigat siyang dahilan. 'Wag natin silang husgahan hanggat hindi pa natin nakukuha ang paliwanag nila," ang sabi ni Kapitan sa amin ng kausapin kami.
Dahil halos isang buwan nang hindi nakikita sina Lizel at Pareng Cecilio sa aming barangay—dahil kahit anong tanong nila sa akin ay wala akong sinasbayang nahuli ko ang mya asawa at si Pareng Cecilio na magkasama sa kubo bago sila nawala. Isa pa, baka may mangyaring masama sa dalawa at ako pa ang mapagbintangan.
Dahil medyo malaki na ang panganay ni Pareng Cecilio, ito na lang ang kinuha ko na katulong sa babuyan para kahit paano ay matulungan niya ang kanyang ina para may pagkain silang magkakapatid.
Makalipas ang halos limang taon, may nagbalita sa akin na nakita raw nila si Lizel sa isang hospital na tila may dinadalaw, pero nasa pinaka-city sila. Pero kahit na nalaman ko, ay hindi ko na pinagtuunan ng pansin pa.
Pinalago ko na lang ang mya negosyo kahit mag-isa lang ako at walang tulong ni Pareng Cecilio. Naparami ko ang aking alaga at nakakapagtanim na kami ng tatlong beses sa isang taon, kaya ang dating bahay ko na kawayan at sawali lang ay napalitan na ng bato at yero.
Makalipas lamang ang ilang taon, ang mga anak ni Pareng Cecilio na pito ay ako na ang nag-alaga. Dahil isang taon lang matapos na mawala sila, inatake sa puso si Mareng Mona, at labis na awa ang naramdaman ko sa mga bata.
"Pareng Cecilio, magaling ka lang magpaligaya sa babae, pero sa pamilya ay wala kang kuwenta," ito ang sabi ko sa mya sarili habang nakikita ko ang mga anak niya na kahit sampung taon gulang pa lang ay gumagapas na ng palay. Pero dahil sa nakakaluwag na ako sa buhay, hindi ko sila pinabayaan at sinuportahan ko sila sa kanilang pag-aaral.
"Bilib na talaga ako sa 'yo, pare, kaya siguro pinagpapala ka. Sa kabila ng niloko ka ng kumpare mo at inagaw pa ang asawa mo, nagawa mo pa ring suportahan ang mga anak niya," sabi ni Pareng Larry sa akin. Na simula ng mawala si Pareng Cecilio, ay halos siya na ang madalas kong kasama at laging nagpapaalala sa akin.
Lumipas pa ang limang taon, ay nagulat ako sa isang tao na biglang dumating sa bahay.
"Mariano..."
Unang salitang narinig ko sa isang babae. Pamilyar ang boses niya pero pilit ko itong tinitigan. Halos hindi ko na ito makilala—umiitim na ito, ang dating masigla at magandang mukha nito ay umimpis na, at tila ba mas matanda na ito sa akin.
"Lizel? Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo? Bakit ganyan na ang itsura mo?" tanong ko agad, sabay pinaupo ko dahil sa tingin ko ay mukhang pagod na pagod ito. "Anong nangyari sa 'yo? May sakit ka ba?" pagtanong ko pa dahil sa hindi ko inaasahan na magiging ganito ang hitsura niya.
"Patawarin mo ako, Mariano, sa mga nagawa ko," sabi pa nito, sabay punas ng panyo sa kanyang mukha.
Dahil sa nakalipas ang halos sampung taon, tinanggap ko na sa sarili ko na wala na ang maganda ko na  asawa na si Lizel at kinalimutan ng tuluyan si Pareng Cecilio.
"Wwwala na si Cecilio..." ito ang sunod na sinabi nito, na agad namang napatingin ang mga anak ni Pareng Cecilio dahil sa bahay ko na pinatira ang lahat ng pitong anak ng kumpare ko.
"Nasaan si Tatay?" tanong pa ng isang anak ni pare. Halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nito dahil sa labis na pag-iyak. Pero ang malinaw na narinig ko ay patay na si Pareng Cecilio.
Sa patuloy na pagkukuwento ni Lizel, dahil raw sa sobrang kahihiyan nila ay tumakas sila at lumayo, at hindi nagtagal ay nagkasakit si Pareng Cecilio—na-stroke raw ito at naratay ng ilang taon. Nitong nakaraang buwan lang daw ay tuluyang nagpaalam si Pareng Cecilio, ang lalaking nahuli ko na nagpapaligaya sa mya asawa.
Kaya nanumbalik muli ang alaala sa isipan ko. At habang tinitingnan ko ang mya dating asawa, awa na ang nararamdaman ko. Ang dating katawan ng asawa ko na pinag-aagawan namin ay tila ba naging kahoy na ito; maging ang magandang mukha ni Lizel ay parang bungo na sa ngayon, na kahit ako ay hindi ko na kayang yakapin pa.
"Patawarin mo ako, Mariano. Sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para makabawi sa mga pagkukulang ko," ito pa ang sabi ni Lizel habang nakatingin sa akin.
Pero wala na ang pagmamahal na nararamdaman ko dati. Gusto ko man pagbigyan ang gusto niya na muling kaming mabuo at magsama, pero malabong mangyari...
"Mahal, approved na ang sasakyan na ni-loan natin, bukas pwede na nating kunin!" ang masayang sabi ng isang babae habang papalapit ito sa akin, sabay yakap at halik.
"Talaga? Sige, bukas maaga nating puntahan. Sa wakas, natupad na rin ang pangarap natin na makabili ng sasakyan para hindi na tayo umaasa sa jeep at makakapunta na tayo sa mga gusto nating puntahan," sabay yakap ko sa isang babae na pumalit sa puso ni Lizel.
Si Hazel, ang babaeng muling nagpasaya sa akin noong panahon na lugmok na lugmok ako dahil sa ginawa ng aking kumpare. Si Hazel ay anak ng may-ari ng binibilhan ko ng pagkain ng baboy sa bayan, at ang tatay din nito ang nagturo sa akin na magpalago ng negosyong babuyan. Hindi katulad ng dating negosyo ko na babuyan na binaboy pa ng aking asawa at kumpare.
"Oh, bakit 'di mo papasukin si Manang sa loob ng bahay? Meron pa tayong pagkain doon, mukhang nagugutom at pagod," sabi pa ng aking mahal, sabay tingin kay Lizel na akala niya siguro ay nanghihingi ng pagkain.
Si Lizel naman ay nakatingin lang sa amin na alam ko na tumutulo ang luha nito habang papasok kami ng bahay namin ni Hazel—na sana ay bahay pa niya hanggang sa ngayon, kung nanatili sana siyang tapat sa akin.
Sa ngayon ay masaya na ako sa aking buhay at masasabi ko na wala na akong hihilingin pa. Niloko man ako ng aking dating asawang si Lizel, pumalit naman ang napakabait na si Hazel kasama ang aming tatlong anak.
Simula ng pumunta sa bahay si Lizel ay hindi ko na muli itong nakita. May nagsasabi sa akin na nakikita raw nila sa pinaka-city namin na natutulog sa karton at nanghihingi ng pagkain. Kaya nga kapag namamasyal kami ng pamilya ko sa city ay hinahanap ng mata ko si Lizel, para kahit paano ay maabutan ko man lang ng kahit pagkain niya. 
Siguro ay naisip na rin niya na 'wag nang magpakita pa sa akin.
Marahil ang ginawa nilang panloloko sa akin ay habang buhay niyang pinagsisisihan sa ngayon.
 Hindi man ako gumanti sa kanila, ay panahon naman ang bumawi. Pinatawad ko na sina Lizel, maging si Pareng Cecilio. Maluwag ko nang nasasabi ito, dahil sa kabila ng pait na dinanas ko, ginhawa at ligaya pala ang kapalit.
Salamat, Mariano

[More sex stories]

[Latest sex stories]

Popular sex stories this week

Pinagtulungan nila Ako

Stephanie

Salisi

Kantutan sa Rooftop

Summer Class

Unforgettable First Time