M.U. – Mutual Understanding, Magulong Usapan, Malanding Ugnayan. Pero may understanding, usapan o ugnayan nga ba o ikaw lang ang mag isang umaasa? Masalimuot na sitwasyon. Nangyari ito sa akin noon hindi ko din alam paano ako nakalabas ng buo.
College. Bahay – eskwelahan lang ako noon wala masyadong kilala sa mga kapitbahay. Naaya ako ng kapatid kong manood ng basketball ligang pambarangay, wala naman akong ginagawa, summer- walang klase. Nanood kami, sinundan ang mga laro ng lugar namin, doon ko siya nakilala, hanggang ngayon hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya. Mahusay siya, katunayan siya ang MVP kahit ‘di ang team nila ang nag-champion. More stories here: https://tagalogmalibogstories.blogspot.com/
Nagdaan ang mga araw naging “close” kami kumbaga, tinutukso na kami ng iba niyang ka-team nun, hanggang sa alam na namin sa sarili namin na may mas malalim na kaming nararamdaman para isa’t isa, puwede ring mali ako na ako lang pala ang may nararamdaman sa aming dalawa.
Dumating ang pasukan, sinusundo sundo niya ako minsan, sabi niya napadaan lang daw siya sa campus namin noon. Minsan inimbitahan niya pa akong magtanghalian sa kanila. May mga tawagan na din kami, baby, bossing, idol..
Sa puntong ito, masisisi mo ba ako kung umasa akong may “something” sa aming dalawa?
Pagkatapos ng ilang buwan, palitan ng text at tawag, sinabi niyang gusto niyang manligaw at makilala ang magulang ko. Siyempre, tuwang tuwa ako, ‘yun lang, hindi ko natanong kung kailan niya balak gawin yun. Lumipas uli ang panahon, padalang nang padalang ang mga text niya, halos hindi na rin kami nagkikita.
Nakapagtapos ako ng college, saktong birthday niya, kaya nagpadala akong cake sa kanila. Halos isang taon na rin pala akong umaasa sa “panliligaw” niya. Pinilit ko na siyang kalimutan, tumanggap ako ng mga manliligaw, pero wala akong sinagot sa kanila.
Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil lahat ay naikukumpara ko sa kanya. Ewan ko ba, tuwing birthday niya, may nararamdaman akong hindi ko maintindihan. Nagpadala ako ulit ng cake sa bahay nila, nagtext siya sa akin, salamat daw, naalala ko pa daw pala, gusto ko siyang tanungin, “ako ba, naaalala mo pa?” More stories here: https://tagalogmalibogstories.blogspot.com/
Hanggang sa isang araw papasok ako sa trabaho sa may sakayan ng fx, may kumalabit sa akin sa pila, para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nakita ko siya. Unang beses pagkatapos ng matagal na panahon, naisip ko halos wala siyang pinagbago.
May dala siyang gym bag at naka-basketball jersey. Kumustahan ang sumunod na parang walang nangyari, parang kahapon lang kami huling nagkita. Ang dami kong gustong itanong, pero wala akong lakas ng loob at isa pa nasa fx kami baka pag nagtanong ako at awkward wala kami masyadong gagalawan, hindi namin maiiwasan ang isa’t isa. Dumating na ang bababaan ko, nasabi ko na lang “dito na ako, sige, ingat ka!”
Nung araw na yun, nagpasya na akong kalimutan siya, nagpalit ako ng sim card, tinapon ko lahat ng alaala naming dalawa. Mahirap magmahal ng lalaking walang bayag, ‘yung hindi ka kayang panindigan, ‘yung hindi mo alam kung seryoso ba siya o ginagawa niya din ‘yun sa iba. Mahal ko siya, pero mahal ko din ang sarili ko. Tama na. More stories here: https://tagalogmalibogstories.blogspot.com/
Sa huli, narealize kong puwede ka rin palang ma-heartbroken kahit hindi naman naging kayo at walang ibang makatutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Matagal mag-move on, pero hindi ka makakaraos kung hindi mo sisimulan, mahirap kasi gusto mo ng closure pero ano pa ba ang tatapusin eh wala naman kayong nasimulan?
Marami kang tanong, pero isa lang ang sagot diyan… HINDI KA NIYA MAHAL. Dahil kung talagang gusto ka niya, gagawa siya ng paraan para maging “kayo”.
Ngayon isa na lang siyang alaala, tanguan na lang pag nagkakasalubong, pero ‘yung nararamdaman ko, salamat naman, wala na.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento