El Padre

Ang mga pangyayari na ikukuwento ko ay maaring hindi tutuong pangyayari dahil ipinagtapat lang sa akin ng isang bagong kilala at ako ay halos hindi makapaniwala sa mga naikuwento niya sa akin. Tawagin na lang natin siyang Tony, edad 31, matipuno at may lahing mestizo, kaya lang hindi siya matangkad kagaya ng ibang mestizo. Kung titignan mo mapagkamalan mong artista. Medyo tahimik ang personalidad pero mahusay magsalita, pati ingles niya ay parang tiga europe, di kagaya ng ibang balikbayan na talagang halata na hindi ingles ang katutubo nilang salita. Magara siyang magbihis, mahusay siyang magdala ng damit. Ang mga kilos niya ay pino, hindi bulalas kahit na marami ng nainom. Ito lang siguro ang sakit niya, mapaginom, at kapag nakainom madaldal. Nakainom siya ng husto kaya ko nalaman ang mga pangyayaring ikukuwento ko.

Read More...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento