Hayok

Dati ay halos gabi-gabi kung sila ay magtalik pero naging madalang iyon simula nang madestino sa isang rice mill si Rogelio sa kabilang bayan. Hindi pa man sumisikat ang araw ay kinakailangan na nitong bumiyahe dahil maagang nagbubukas ang rice mill kung saan siya naman ang papalit sa karelyebo niyang guwardiya. Madalas minamalas pa at hindi nakakapasok ang karelyebo ni Rogelio, obligado tuloy itong magbantay buong magdamag. Bukod pa iyon sa pagtulong niya sa pagbubuhat ng mga idi-deliver na mga sako ng bigas lalo't kulang sila sa tao ngayon. Pansin ni Beth ang medyo pagbagsak ng katawan ni Rogelio dahil sa puyat at pagod sa rice mill. Naaawa siya sa mahal niyang asawa sa mga sakripisyo nito para sa bubuuin nilang pamilya. Ang sabi kay Beth sa health center ay marahil dahil sa uri ng trabaho ni Rogelio kung kaya't hindi sila nakakabuo. Iyon din ang suspetsa ni Beth dahil sa matitinding puyat at pagod ni Rogelio sa rice mill.

Read More...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento