Hindi na matandaan ni Shane kung paano siya nakabalik sa loob ng bahay sa labis na pagkataranta. Pagkasara niya ng pinto ay humihingal siyang napasandal sa likod nito. Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib dulot nang kaba dahil alam niyang nakita siya ni Ehron.
"Shiiit… Shiiiit." tanging naibulalas ni Shane habang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga titig na iyon ni Ehron sa kanya. Tinungo ng dalaga ang ref sa kusina at inilabas niya ang isang pitsel ng malamig na tubig. Uminom siya upang maibsan ang nanunuyot niyang lalamunan. Nag-iinit pa rin ang kanyang pakiramdam mula sa kanyang nasaksihan kanina. Sinubukan niyang mapawi ang init na iyon sa pag-inom ng malamig na tubig. Tulala siyang uminom habang binabalikan ang mga maiinit na tagpo kanina. Hanggang sa namalayan na lamang ni Shane na halos mauubos na pala niya ang laman ng pitsel subalit hindi pa rin napapawi ang init na patuloy na bumabalot sa kanya.
Pumasok ang dalaga sa kanyang kwarto at nahiga sa kama. Iniisip niya ang mangyayari kinabukasan lalo't siya muli ang pinagbilinan ng kanyang tiyahin para umasikaso sa mga trabahador.
Kinabukasan, hindi lumabas ng bahay si Shane. Nagkulong lamang ito sa bahay at nanood ng TV sa sala. Pinilit ng dalaga na ibaling ang atensiyon sa pinapanood. Gayunman, sadyang hindi maalis sa kanyang isip ang nangyari kagabi. May kumatok sa pinto. Kinabahan si Shane sa pag-aalalang baka si Ehron iyon. Nawala ang kanyang pangamba nang marinig niya ang boses ni Mariz. Pinagbuksan niya ng pinto ang kaibigan. Napansin agad ni Shane na mas masigla ng kaibigan sa umagang iyon. Naisip niya ang ginawa nito kagabi. Tiyak niyang iyon ang dahilan.
"Bes, may sasabihin ako sa'yo. Atin-atin lang ito ha." excited na wika ni Mariz.
"Ano 'yun, Bes." kunwaring tanong ni Shane dahil may hinala na siya sa sasabihin ni Mariz sa kanya.
"I did it last night. We did it. Me and Ehron, dyan sa ginagawang bahay." abot tengang ngiti ng dalaga.
Tama nga ang hinala ni Shane sa sinabi ni Mariz. Ang hindi alam ni Mariz ay alam ni Shane ang ginawa nito kagabi. Naging saksi siya sa maiinit na tagpong ginawa ng dalawa.
"Talaga?" pabalat-bungang tugon ni Shane.
"Oo, Bes. Grabe ang sarap niya. Hanggang ngayon parang ramdam ko pa yung ano niya sa loob ko. Grabe ang laki, Bes. Pero ang sarap-sarap."ani Mariz.
"Loka. Hindi mo ba iniisip yung ginawa mo? Paano kung magbunga 'yang ginawa nyo tapos umalis na 'yan dito. Ano ka ngayon? Disgrasyada?"
"Ano ka ba, Bes. Safe days ko ngayon kaya kahit putukan niya ako nang putukan eh hindi ako mabubuntis." ani Mariz.
"Ang landi mo, Bes. Grabe ka hindi kinaya ng powers ko 'yung ginawa mo."
"Palibhasa Manang ka kaya ka ganyan. Ewan ko sa'yo bakit andaming nagkakagusto sa'yo pero hanggang ngayon wala kang natitipuhan sa kanila."
Muling bumalik sa isip ni Shane ang mga titig na iyon ni Ehron sa kanya. Hindi kakikitaan nang pagkagulat o galit ang mga titig na iyon ni Ehron sa kanya. Hindi kayang maipaliwanag ni Shane ang mga titig na iyon pero isang bagay ang natitiyak niya. Ang lakas makababae ng titig na iyon. Kung ngumiti lang siguro si Ehron sa kanya nang gabing iyon ay baka nawala ang takot niya at maging siya ay pinasok na rin si Ehron.
Nabigla si Shane nang kalabitin siya ni Mariz, "Grabe ka, Bes. Kanina pa ako nagsasalita rito eh nakatulala ka naman pala diyan."
"A-Ah eh, kwan kasi. May iniisip lang ako." ani Shane.
"Nakakatawa nga kagabi, Bes. Pag-uwi ko sa'min agad akong sinermunan ni Inang at bakit gabing-gabi na raw eh lumabas pa ako. Sa pagkataranta ko kagabi hindi ako nakasagot. Ayun grounded ako kay Inang. Isang linggo akong hindi pwedeng lumabas ng gabi. Shiiit, paano na kami ni Ehron niyan."
"Ibig sabihin may plano ka pang umulit sa lalakeng iyon?"
"Once is bitin, Bes. Twice is better. More often is the best." ani Mariz.
"Baliw ka talaga, Bes."
"Kaya lang ramdam ko kagabi na natukso lang sa akin si Ehron. Ramdam kong hindi niya ako talaga bet. Na mukhang ibang babae ang taste niya. Kasi isang round lang kami kagabi tapos pinauwi na niya ako."
Nakaramdam nang awa si Shane sa kaibigan. Gayunman, gusto niyang matawa sa sinabi nito lalo na sa pinauwi siya ni Ehron matapos ang eksenang nasaksihan mismo ni Shane.
"Grabe ka, Bes. Sige pigilin mo pa yang tawa mo at nang kabagan ka." ani Mariz na napuna na nagpipigil nang tawa si Shane.
Hindi na napigilan ni Shane ang sarili. Humagalpak siya sa tawa na halos mamula siya at sumakit ang kanyang tiyan.
"Sige tawa pa more." natatawa na ring wika ni Mariz.
"Grabe naman kasi yung ginawa mo, Bes. Ayan tuloy pinauwi ka nang wala sa oras. Baka kasi binigla mo." natatawang wika ni Shane.
Binalot ng kanilang tawanan ang sala. Natigil silang dalawa nang may kumatok. Si Mariz ang nagbukas ng pinto at nakita nila sa labas ang isa sa mga trabahador. May hawak itong isang listahan.
"Ate, kailangan daw po itong maorder ngayon sa hardware sa bayan." wika ng trabahador.
"Ano? Eh 'di ba Linggo ngayon at sarado ang hardware pag Linggo?" ani Shane.
"Uy, ano ka ba, Bes. Palibahasa hindi ka nagpupunta sa bayan 'pag Linggo. May bukas kayang hardware sa bayan 'pag Linggo. 'Yun nga lang half-day lang sila." ani Mariz. Tinanguan naman siya ng trabahador bilang pagsang-ayon.
Napatingin sa wallclock si Shane, "Eh paano 'yan? Alas diyes na ng umaga. Baka hindi na kayo umabot." aniya.
"Ate, kailangan daw po talagang mabili ngayon ito sabi ni Sir Ehron." pangangatwiran ng lalake.
"Ano ba 'yang Sir niyo? Nagmamadali ba 'yan?" inis na wika ni Shane.
"Hindi po si Sir kundi 'yung tiyahin niyo po ang nakiusap sa amin na madaliin ang trabaho." ani ng trabahador.
Wala nang nagawa si Shane kundi ang kunin ang listahan. Nakasulat din doon ang kabuuang halaga ng mga iyon. Nauna nang napagbilinan si Shane ng kanyang tiyahin na kung may kailangang bilhing materyales ang mga trabahador ay kumuha lamang ng pera ang dalaga sa handbag ng kanyang tiyahin na nakatago sa loob ng aparador nito sa kwarto. Gayon nga ang ginawa ni Shane. Kumuha siya ng pera roon para sa mga kakailanganing materyales.
"Oh, eto, may sukli pa 'yan ha." ani Shane nang iabot niya ang pera at listahan sa trabahador. Hindi iyon inabot ng lalake.
"Ate, pasensiya na po pero hindi po ako pwedeng bumili sa bayan. Marami po kasi kaming ginagawa. Nagbubuhos po kami ngayon ng semento ng flooring sa kusina."
"Aba, ang lagay eh ako pabibilhin niyo? Eh sinong magluluto ng tanghalian niyo?" wika ni Shane bagaman kanina pa siya nakaluto ng pananghalian. Tinatamad lang siyang pumunta sa bayan.
"Ate, teka lang po. May naisip po akong pwedeng pakiusapang bumili." wika ng lalake at tsaka ito umalis.
Makalipas ang ilang saglit, nabigla si Shane sa lalakeng dumating… Si Ehron. Nakita nito si Mariz. Isang matamis na ngiti ang iginawad ng dalaga sa kanya. Ngumiti ang lalake kay Mariz. Tumingin naman si Ehron sa babaeng sadya niya.
"Shane, ako na lang ang bibili ng mga materyales." aniya.
Tila natuklaw ng ahas sa kinatatayuan si Shane habang nakatayo sa kanyang harapan si Ehron. Bukod sa presensiya ni Ehron sa kanyang harapan, hindi makapaniwala ang dalaga nang tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Hindi maitatanggi ni Shane na magkahalong kilig at kaba ang nararamdaman niya. Gusto niyang mainis sa sarili dahil sa nararamdaman niyang iyon.
"Huy, Bes. Kinakausap ka nung tao hindi mo naman pinapansin." ani Mariz.
"E-Eto 'yung pambili at listahan." tipid na wika ni Shane at iniabot niya ang mga iyon kay Ehron.
Kinuha naman iyon ng lalake. Nagdikit ang kanilang kamay. Nakaramdam nang kakaiba si Shane nang magdikit ang kanilang mga palad. Mabilis ang kaba sa kanyang dibdib.
"Teka, alam mo ba ang papunta sa palengke sa bayan?" usisa ni Mariz.
"Yun lang ang problema. Hindi ko alam dito kasi ngayon lang ako napunta sa lugar na ito. Siguro magpapatulong na lang ako sa tricycle na sasakyan ko." ani Ehron.
"Naku, maraming tusong tricycle rito lalo dyan sa terminal sa labas." ani Mariz, "Baka ipasyal ka pa ng isa sa mga iyon para mas lumaki ang ibabayad mo. Baka hindi mo na abutang bukas ang hardware. May tagabili kasi ng materyales 'yung tiyahin ni Shane. Si Mang Oca. Kaya lang nagpunta si Mang Oca sa piyestahan ngayon sa kabilang bayan. Ginagamit niya 'yung motor ng tiyahin ni Shane sa pagbili o pag-order ng materyales sa hardware sa bayan."
"Ganun ba?" wika ni Ehron.
"Hindi ba talaga pwedeng ipagpabukas na lang 'yan?" ani Shane.
"Kailangan kasi mabili 'yung materyales ngayon para sa ginagawang flooring ng kusina. Napansin ko kasi na may nakalimutan silang bilhin na importante pa namang mailagay." pangangatwiran ng lalake.
"May lisensiya ka ba?" usisa ni Shane.
"Oo. Dala ko 'yung driver's license ko."
"Marunong ka bang magmotor?" dagdag ng dalaga.
"Oo. May service akong motor sa Maynila."
"Ayun naman pala eh. Magpasama ka na lang dito kay Mariz sa bayan."
"Teka, Bes. Hindi ako pwedeng magtagal. Sumaglit lang ako dito pero babalik din ako agad sa amin kasi aalis si Inang at ako ang tatao sa tindahan." ani Mariz nang may halong panghihinayang.
"Sus, Bes. Baka pwede namang sumaglit ka muna sa bayan para masamahan siya." pakiusap ni Shane.
"Bakit hindi na lang ikaw ang sumama kay Ehron." ani Mariz.
"A-Ako?" nabiglang wika ni Shane.
"Oo ikaw. Eh ikaw ang pinagbilinan ng tiyahin mo 'di ba?"
Makahulugang tiningnan ni Shane ang kaibigan. Ngumisi lang si Mariz sa kanya.
"Samahan mo na, Bes. Anong oras na oh. Tsaka medyo kumukulimlim pa. Bilisan niyo na para makabalik kayo agad." ani Mariz at tsaka ito umalis para umuwi sa kanila.
Walang nagawa si Shane kundi ang samahan si Ehron sa pagpunta sa bayan.
Nagpunta sila sa likod-bahay kung saan naroon ang Honda XLR ng kanyang tiyahin. Service rin iyon ng kanyang tiyuhin kapag nasa 'pinas ito.
Sumakay si Ehron sa motor. Umangkas naman sa likod niya si Shane.
"Kapit kang mabuti sa balikat ko." ani Ehron.
"Ingat ka sa pagpapatakbo ha. Takot akong sumakay sa ganito." kinakabahang wika ng dalaga.
Pinaandar ng lalake ang motor at umalis sila sa lugar na iyon. Binabagtas nila ang mahabang kalsada na may malawak na palayan sa magkabilang gilid nito. Nadaanan nila sa gilid ng kalsada ang mga naglalakad na bakang pinapastol ng isang matandang lalake.
"Sa pinakadulo niyan ang bayan." ani Shane sa direksyong tinatahak nila.
"Malayo pa pala." wika ng lalake habang nakatingin sa napakahabang kalsada. "Mga ilang minuto kaya bago natin marating 'yan?" dagdag niya.
"Mga kalahating oras."
Makalipas ang sampung minuto, Napansin ni Shane na mas binilisan ni Ehron ang pagpapatakbo sa motor.
"Bakit mo binilisan?" wika ng dalaga.
"Kailangan nating magmadali dahil madilim na ang ulap sa itaas at mukhang uulan nang malakas."
Nang sabihin iyon ni Ehron ay kapwa nila naramdaman ang malalaking patak ng ulan. Kasunod niyon ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Anong gagawin natin? Ang lakas na ng ulan. Nababasa na tayo." ani Shane.
Dalawampung metro sa kanilang harapan ay nakita ni Ehron ang isang malaking puno ng Manga na mayroong makakapal na sanga malapit sa kalsada. Pwede silang sumilong doon. Pinuntahan nila iyon. Bumaba sila ng motorsiklo at sumilong sa puno. Basambasa silang dalawa.
Mas lalong tumindi ang buhos ng ulan. Nagliliwanag ang paligid sa bawat pagkidlat na ang kasunod ay ang nakakabinging pagkulog.
"Sana hindi na tayo tumuloy." reklamo ni Shane.
"Malay ko ba na uulan?" sagot naman ni Ehron.
"Aba. Marunong ka palang sumagot." wika ng dalaga.
"Natural. Kapag tinanong dapat lang na sumagot. Hindi gaya ng isa dyan na natutulala kapag tinatanong."
"Hindi ka rin pala mayabang. Napaka-pilosopo mo pa."
"Mayabang? Kelan naman ako naging mayabang?"
"Ewan ko sa'yo. Basta mayabang ka." ani Shane.
Natawa ang lalake sa narinig. Nagkatinginan sila ng dalaga. Dito na napansin ni Shane na may kakaibang dating si Ehron. Mas lalo na kapag ngumingiti ito at nasisilayan ang mapuputi nitong ngipin. Ang lakas makababae nang ngiti nito. Kusang nanlambot ang mga tuhod ng dalaga sa ngiting iyon ni Ehron. Hindi niya masisi ang kaibigang si Mariz kung bakit gayon na lamang ang pagkabaliw nito sa lalakeng nakatitig sa kanya ngayon. Mas lumapit si Ehron sa dalaga. Tinabihan niya si Shane at tsaka niya muling tinitigan sa mga mata ang dalaga.
"Paano nga ako naging mayabang, ha?" mahina subalit may pagka-bruskong wika ni Ehron sa mukha ng dalaga.
Walang dudang may angas sa pananalita nito. Hindi makuhang nakapagsalita ni Shane. Paano kasi ay natutulala siya sa tila galit na mga mata ni Ehron na nakatitig sa kanya. Tumatagos ang mga titig na iyon sa buong pagkatao ni Shane. Tinatalo nang mga titig na iyon ang kaniyang itinatagong kahinaan.
Ngumiti si Ehron sa mukha ng dalaga. Napakagat labi ang lalake habang tila isang barahang sinusuri nito ang nakikita kay Shane. Napatingin sa labi ni Ehron ang dalaga. Napakagat-labi rin si Shane at muling tumingin sa mga mata ni Ehron.
"Ang ganda mo naman pala kapag nakangiti ka eh." wika ng lalake.
"H-Ha?" ani Shane.
"Sayang ka maganda ka pa naman kaya lang bingi ka." ngiti ni Ehron.
"A-Ano?"
"O, kita mo bingi ka talaga." natatawang wika ng lalake.
Bago pa man makapagsalita si Shane ay biglang kumidlat. Bigla nilang naramdaman ang nakapangingilabot na pwersa at liwanag nito nang tamaan ng kidlat ang isang lumang troso malapit sa kanila.
Sa labis na takot ay napayakap ang dalaga kay Ehron.
"Diyos ko, Ehron. Umuwi na tayo. Baka mamatay tayo rito." maiyak-iyak na wika ni Shane.
"Hindi tayo pwedeng bumiyahe. Bukod sa malakas pa ang ulan ay nasa lugar lang na ito ang kidlat."
Nakakita si Ehron ng isang abandonadong kubo di-kalayuan sa punong sinisilungan nila. Hinawakan niya sa kamay ang dalaga at pinuntahan nila ang kubo. Pumasok sila sa loob. Lumabas muli si Ehron at sinuong ang masamang panahon. Minaneho niya ang motor at ipinarada sa gilid ng kubo at tsaka siya muling pumasok. Kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan ay umihip ang malakas na hangin sa labas. Nakaramdam nang matinding ginaw ang basambasang si Shane. Nahiga ang dalaga sa papag at namaluktot doon. Hindi maganda ang pakiramdam nito. Nakita iyon ni Ehron kung kaya't isinara niya agad ang pinto gayundin ang dalawang bintana ng kubong iyon upang hindi pumasok ang malamig na hangin at pag-anggi ng ulan. Dinukot ng lalake ang lighter sa kanyang bulsa upang sindihan ang gaserang nakapatong sa mesa. Makailang ulit na pinasindi ni Ehron ang basa niyang lighter hanggang sa gumana iyon at masindihan niya ang gasera. Napansin ng lalake ang pangangatog ni Shane sa papag habang nakatalikod itong namamaluktot sa ginaw. Naghanap siya ng maikukumot sa dalaga subalit wala siyang nakita. May naisip gawin si Ehron.
"Shane, kailangan kong gawin ito."ani Ehron.
Naramdaman ng dalaga ang pagdikit ni Ehron sa kanyang likuran. Maingat na hinila paibaba ng lalake ang basang leggings ni Shane at nang maalis iyon ay isinunod namang hinila paitaas ni Ehron ang basambasang t-shirt ng babae. Naka undies na lang ang dalaga nang maramdaman niyang niyakap siya ng lalake mula sa kanyang likuran. Naka boxer shorts na lamang si Ehron sa sandaling iyon. Nagdikit ang kanilang katawan. Naramdaman ni Shane ang init ng balat ni Ehron habang nakayakap ito sa likuran niya. Ipinatong ng lalake ang hita at binti nito sa hita at binti ni Shane. Ramdam ng dalaga ang mainit-init na hininga ni Ehron sa kanyang batok. Ramdam naman ng lalake na nangangatog pa rin si Shane kung kaya't mas hinigpitan niya ang yakap sa dalaga. Ramdam ni Shane ang init ng dalawang bisig ni Ehron na bumabalot sa kanyang braso at dibdib. Mas lalong idinikit ni Ehron ang sarili sa likuran ng babae. Patuloy pa rin sa pagkidlat at pagkulog ang kalangitan kasabay nang malakas nitong pag-ulan.
More stories...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento