Hayok 6

 

Namumuwalan ang kanyang makipot na hiyas sa laki ng uten ni Gudo. Bagaman naglalawa sa katas niya ang kanyang pagkababae ay hirap makapasok ang kargada ni Gudo dahil sa laki nito. Sadyang malaki ito kumpara kay Paulo at sa mister niyang si Rogelio.

Ganap nang nakapatong si Gudo sa ibabaw ni Beth. Nang mangalahati ang pasok ng ari niya sa loob ng biyak ng ginang ay nagsimula nang kumadyot nang marahan si Gudo. Niromansa rin niya nang halik ang leeg ng ginang. Napayakap si Beth sa likuran ng lalake habang pinaliligaya siya nito. Muling sumidhi ang pagnanasa sa katauhan ni Beth. Hinayaan niya si Gudo sa anumang naisin nito sa katawan niya. Mas bumilis ang pagkadyot ng lalake sa ginang. Ramdam ni Beth ang pagsagad ni Gudo sa loob niya. Masarap. Nakakawala nang katinuan.

Napapikit si Beth dulot ng matinding sarap. Naramdaman niya ang mainit na labi ni Gudo sa labi niya. Hinahalikan nito si Beth kasabay nang pag-angkin nito sa ginang. Kusa nang bumuka ang bibig ni Beth. Gumanti na rin siya nang halik kay Gudo. Naglaro ang kanilang dila sa loob ng bibig ni Beth. Nagsipsipan sila ng dila at nagsanib ang kanilang laway.

Kapwa sila lasing sa sarap. Malamig ang klima subalit kapwa sila pawisan. Sinasalubong ng hiyas ni Beth ang paglabas-masok ng ari ni Gudo. Nangingintab sa katas ni Beth ang uten nito. Humawak ang magkabilang kamay ni Beth sa puwitan ni Gudo. Mas ipinagdiinan pa ng babae ang bawat pagbaon ni Gudo sa kaloob-looban niya. Kapwa sila nababaliw sa sarap sa tuwing sumasagad ang ari ni Gudo.

Bumilis pang lalo ang naging pagkadyot ni Gudo. Ramdam naman ni Beth ang tila kakaibang paninigas ng ari ni Gudo sa sandaling iyon. Alam niya ang ibig sabihin niyon mula sa kanyang karanasan sa mister. Senyales iyon na malapit nang labasan si Gudo. Ramdam naman ni Gudo ang nalalapit niyang orgasmo.

"E-Eto na akoooohhhh… Ahhhhhhhhh…"

"H-Huwag sa loob ko, Gudo… Baka mabuntis akoooohhh…"

Hindi kumibo si Gudo bagkus ay mas bumilis pang lalo ang kanyang pagkadyot.
Sa huling kadyot ay isinagad ni Gudo ang kanyang uten sa loob ng hiyas ni Beth. Pumulandit sa loob ni Beth ang masaganang katas ni Gudo. Napadilat si Beth ramdam ang pagsirit ng mainit-init na katas sa loob ng kanyang puwerta. Tinangka niyang itulak si Gudo subalit huli na. Patuloy sa pagpunla si Gudo ng kanyang binhi sa sinapupunan ni Beth. Wala siyang pakialam kung mabuntis niya ito. Wala nang nagawa si Beth kundi namnamin ang pagpuno ni Gudo sa kanyang sinapupunan. Ibinuhos ng lalake sa loob ng ginang ang kanyang binhi hanggang sa huling patak. Dahan-dahang binunot ni Gudo ang matikas subalit medyo nanlalambot na niyang ari sa hiyas ni Beth. Agad bumulwak sa bukana ng biyak ng babae ang magkahalo nilang katas. Tumulo ang malapot na puting katas papunta sa puwitan ni Beth. Mainit silang naghalikan na tila magkalaguyong kapwa sabik sa isa't-isa. Humiga sa tabi ni Beth si Gudo. Saglit silang nagpahinga.

Lingid sa kaalaman nila. Mula sa isang butas sa likod-bahay ay naninilip sa kanila si Paulo. Naging saksi ito sa kamunduhang pinagsaluhan nila. Hindi libog ang umiiral sa binata kundi matinding galit para kay Gudo. Maya-maya pa, habang nagbabadya na ang pagbubukang liwayway ay umalis na ng likod-bahay si Paulo. Naglalaro sa isip nito ang mga susunod niyang hakbang.

* * *

"Sunog! Sunog!"malakas na sigaw ng isang ginang. Sa pagsikat ng araw sa umagang iyon, magwawalis pa lamang sana siya ng kanyang bakuran nang isang nasusunog na kubo ang agad gumimbal sa kanya.

Napabalikwas sa pagkakahiga si Gudo habang nakayakap sa natutulog na si Beth. Nagising din si Beth sa ingay ng mga nagkakagulong tao di-kalayuan sa bahay niya.

"Anong nangyayari?"kinakabahang wika ni Beth na agad nagbihis.

"Hindi ko alam. Nabigla rin ako eh."ani Gudo habang humahangos na nagbibihis.

"Yung bahay ni Gudo nasusunog.Tumawag kayo kay Kabesa dali kayo."dinig nilang sigaw ng mga taong nagimbal sa kanilang nasasaksihan.

"Putang ina."ani Gudo at mas binilisan pang lalo ang pagbibihis. Agad siyang sumilip sa pinto ng likod-bahay. May ilang tao siyang nakita sa labas ng bakuran ni Beth subalit ang atensiyon lahat ng mga ito ay sa nagaganap na sunog. Hindi nila napansin o nakilala man lang si Gudo nang tumakbo ito papunta sa nasusunog niyang kubo.

Nagsitabihan ang mga usyosero sa pagdating ni Gudo sa tapat ng kanyang nasusunog na bahay. Nilalamon nang malakas na apoy ang loob ng kanyang bahay. Unti-unti ring tinutupok ng apoy maging ang pawid niyang bubong na binasa ng malakas na ulan kagabi. Dinaig nang malakas na apoy ang basang pawid niyang bubong. Agad hinanap ni Gudo ang alaga niyang tuta. Nakagiliwan na niya itong alagaan simula nang ibigay ito ng kanyang kumpare.

Narinig ni Gudo ang pagtahol nito sa loob ng nasusunog niyang kubo. Mula sa pinakasulok sa ilalim nang nagliliyab niyang papag ay nakita niya roon ang alaga niyang tuta. Halatang takot na takot ito.

"Wag ka nang pumasok, Gudo. Masyado nang malaki ang apoy."pigil ng mga kalalakihan kay Gudo. Hawak nila ang magkabilang bisig nito.

Subalit mas malakas sa kanila si Gudo na agad pinasok ang natutupok niyang bahay. Sa pagpasok pa lang ni Gudo sa loob, ramdam agad ng balat niya ang nakakapasong init mula sa nagliliyab niyang mga kagamitan. Maingat niyang iniwasan ang nagliliyab niyang mga gamit. Mula sa madilim at nakakasulasok na maitim na usok sa loob ay agad tinungo ni Gudo ang ilalim ng papag at kinuha ang alaga niyang tuta. Nakita ni Gudo ang nasusunog niyang aparador na tinutupok na ng apoy. Kasamang nasusunog ngayon doon ang perang pinaghirapan niya mula sa nakaraang anihan ng palay. Nanlalambot na lumabas si Gudo dala sa kanyang bisig ang alaga niyang tuta. May ilan siyang maliliit na paso sa braso at likod.

Sa kaniyang harapan, nasasaksihan niya ang tuluyang pagkasunog ng kaniyang kubo kasama ng mga kagamitan na pinaghirapan niyang maipundar.

Tulala si Gudo maging ang lahat ng mga taong naroon habang pinagmamasdan na lang ang pagguho ng nasusunog na bubong maging ang mga nagliliyab na dingding ng kubo ni Gudo. Huli na para makakilos pa sila dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

* * *

"Wag kayong babagal-bagal. Bilisan nyo na ang kilos at baka wala na tayong abutan." sigaw ni Kabesa sa mga tanod niya.

Kitang-kita kasi ng matanda mula sa kaniyang likod-bahay ang maitim na usok mula sa dakong kinaroroonan nang nasusunog na bahay ni Gudo.

Panay mando si Kabesa sa mga tanod niya kung saan nagmamadaling inihahanda ng mga ito ang isang may kalakihang de-motor na tangke na puno ng tubig. Nakakabit iyon sa ibabaw ng isang chassis na may dalawang gulong sa gilid. Tila karitelang bakal iyon na hihilahin ng owner-type jeep ni Kabesa. Iyon ang nagsisilbing pamatay sunog ng kanilang barangay lalo't matagal bago makarating ang bumbero sa kanilang lugar.

"Kabesa, wala namang gas 'tong motor ng tubig."puna ng isang tanod.

"Hindi pwedeng mangyari 'yun. May laman pa 'yan eh."ani Kabesa.

"Wala nga po. Mukhang tumagas."ani ng tanod habang nakikita niya sa ilalim ng makina ang ilang pagpatak ng krudo sa lupa.

Agad lumapit si Kabesa at sinuri ang ilalim ng makina. May nakialam sa de-motor niyang makina. Subalit hindi ngayon ang panahon para isipin pa niya kung sino.

"Kunin niyo 'yung container ng krudo diyan sa gilid ng garahe. Dalian niyo."ani Kabesa.

"Kabesa, wala ring lamang krudo 'tong container."wika ng tanod dala ang walang lamang container.

Kinuha ng matanda ang container. Nagtaka si Kabesa. Laging puno ng krudo ang container na iyon bilang reserba niya para sa mga hindi inaasahang sitwasyong gaya nito.

"Ukinam!"galit na wika ni Kabesa. Ibinato niya ang container dahil sa galit niya.

"Sige, umalis na tayo rito. Ikabit nyo na 'yang tangke sa sasakyan."ani Kabesa at sumakay na siya sa kanyang jeep. Nang maikabit ang tangke ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Nagmamadali nilang pinuntahan ang nasusunog na bahay ni Gudo.

Pagdating nila doon ay tupok na tupok na ang bahay ni Gudo. Lumapit si Kabesa kay Gudo at kinausap. Nangako nang pagtulong ang matanda kay Gudo. Habang nag-uusap sila ay may napupuna si Kabesa mula sa maitim na usok nang nasusunog na kubo. Sa tagal na panahon niya bilang enhinyero ay hindi siya pwedeng magkamali, ang nakakasulasok na itim na usok na iyon ay mula sa krudo. Muli silang nag-usap ni Gudo. Kinausap din niya ang mga unang nakakita sa sunog. Sinabi ng mga ito kay Kabesa na nakita na lamang nila na nagliliyab ang bahay ni Gudo. Na sadyang naging mabilis ang pagkalat ng apoy sa kubo nito.

Sa tuluyang pagliwanag ng kalangitan sa umagang iyon ay naging abo ang lahat nang pinaghirapan ni Gudo.

* * *

Sa hapong iyon ay binigyan ni Kabesa ng bagong tirahan si Gudo sa isang kubo sa gilid ng bukid na pag-aari niya. Nagsisilbing maliit na bodega ang kubong iyon ng mga mga panggatong at iba pang mga luma at sirang kagamitan sa bahay ni Kabesa. Sa buong maghapon na iyon ay ipinaayos at ipinalinis ni Kabesa ang kubong iyon para matirhan ni Gudo. Halos dalawampung metro lamang ang layo niyon sa bahay ni Beth. Sa bukid sa mismong likod-bahay lang ng ginang iyon matatagpuan. Binigyan din ni Kabesa nang malaki-laking halaga si Gudo bilang tulong dito na pwede nitong gamitin sa pagbili ng mga bagong kagamitan sa bago nitong tirahan. Sa kabila nang nangyaring kamalasan kay Gudo, hindi siya makapaniwala sa inabot niyang swerte dahil mas maganda ang kubong tinitirhan niya ngayon bukod sa perang itinulong ni Kabesa. Higit sa lahat, mas malapit ang tinitirhan niya ngayon sa bahay ni Beth. Kung sakali, mas magiging madali ang gagawin niyang pagsalisi sa likod-bahay ni Beth dahil napapaligiran ang dadaanan niya ng mga matataas na pananim ng tubo papunta sa likod-bahay nito.

Kinagabihan, nakahiga si Gudo sa bago niyang papag na kawayan. Iniisip niya ang pagkasunog ng kanyang kubo. Maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isipan sa kung ano ang naging dahilan o kung sino ang pwedeng gumawa niyon sa kanya. Wala siyang maisip na dahilan maliban sa isang bagay. Gayundin kung sino ang pwedeng gumawa niyon sa kanya. Wala mang matibay na ebidensya si Gudo pero malakas ang kutob niya kung sino ang gumawa nun. Si Paulo.

Kanina habang nasusunog ang kanyang kubo, napuna ni Gudo ang nakakasulasok na amoy ng maiitim na usok niyon. Amoy iyon nang nasusunog na krudo. Iyon ang ginamit ni Paulo para sunugin ang kanyang bahay. Naglaro ang imahinasyon ni Gudo sa kung paano iyon nagawa ng binata. Alam ni Gudo na may nakaimbak na container ng krudo si Kabesa. Sa katunayan, siya ang madalas nauutusang bumili ni Kabesa ng isang container ng krudo sa isang gasolinahan sa bayan. Pinagtagni-tagni niya ang mga posibleng senaryo. Laking probinsya si Gudo pero hindi siya maiisahan ng laking Maynilang si Paulo pagdating sa ganitong mga bagay.

Dumako naman ang isip ni Gudo sa nangyari sa kanila ni Beth kanina. Muli niyang naisip ang kubo niyang sinunog ni Paulo sa sandali ring iyon. Malinaw na ang lahat kay Gudo. Ang pagsunog ng binata sa kanyang kubo ang siyang ganti nito sa kanya. Tila nakakaloko ang ginagawa nila sa isa't-isa. Parang silang dalawang pusa sa pagitan ng isang daga. Kapwa nila alam ang ginawa nila kay Beth at nag-aagawan sila ng pagkakataon para makasalisi rito. Ika nga, galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw. Sa sitwasyon nila ni Paulo… Galit ang manyak sa kapwa niya manyak. Ayaw namang mangyari ni Gudo na makihati pa si Paulo sa katawan ni Beth. Noon pa man ay matindi na ang tama ni Gudo sa magandang misis ni Rogelio.

Matagal nang lumipas ang kaguwapuhan ni Gudo. Bagaman may-edad na siyang maituturing, mababakas pa rin naman sa hitsura niya ang kaguwapuhan niya noong kabataan niya. Iyon lamang, dahil sa bisyo niyang magdamag na pag-inom ng alak kung kaya mukha na siyang haggard. Masipag siya kung sa masipag sa pagha-hanapbuhay, marami na siyang trabahong pinasok noon subalit sadyang mailap sa kanya ang swerte. Sa mga naiisip na iyon ni Gudo ay wala siyang nakikitang rason para gustuhin siya ni Beth kung sakaling magkakagusto ito sa ibang lalake. Kung may paraan lang noon para makuha niya ito kay Rogelio ay matagal na niyang ginawa. At sa halos di-kapani-paniwalang pagkakataon na dumating sa kanya ngayon nang may mangyari sa kanila ni Beth, ito na ang sagot sa kanyang hiling. Ang kahinaan ng ginang ang gagamitin niya rito hanggang sa tuluyan nang hanap-hanapin ni Beth ang makamundong sarap na kaya niyang ibigay.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Gudo nang makarinig siya nang mahihinang kaluskos sa labas. Nagtungo ang tuta niya sa nakasaradong pinto at inamoy-amoy ang siwang sa ilalim ng pinto. Tila may naaamoy itong tao sa labas niyon. Bumangon si Gudo at dinampot ang isang yantok na pamalo.

Kung guguluhin siya ni Paulo ngayon gabi ay may kalalagyan ito sa kanya. Nagtago sa gilid ng pinto si Gudo hawak ang pamalo.

"Sino 'yan?"aniya.

"Si Beth ito."wika ng magandang ginang.

Agad binuksan ni Gudo ang pinto. Nagmamadali namang pumasok sa loob si Beth. Naamoy ng lalake ang kabanguhan nito. Halatang bagong ligo rin ito sa suot nitong maiksing daster. Nang maisara ni Gudo ang pinto ay humarap siya sa magandang babae. Nagkatinginan silang dalawa. Wala silang kibuan. Kapwa sila nagpapakiramdaman. Binasag ni Beth ang katahimikan sa kanilang dalawa nang hagkan niya sa labi si Gudo. Mapusok iyon. Nagnanasa. Balot nang pananabik. Lihim na natuwa si Gudo sa nangyayari ngayon. Gumanti siya nang halik kay Beth. Naging mapusok ang kanilang paghahalikan habang unti-unti silang naglalakad papunta sa kawayang papag.

"Isara mo ang bintana, Gudo."ani Beth.

Habang isinasara ni Gudo ang nag-iisang bintana ng kubo ay isa-isang hinubad ni Beth ang kanyang suot. Nang maisara ni Gudo ang bintana ay tumambad muli sa kanya ang nakatatakam na alindog ng ginang. Naghubad na rin si Gudo ng lahat ng kanyang suot. Hubo't-hubad silang muling naghalikan sa paghiga nila sa papag. Nakapatong si Gudo kay Beth habang niroromansa niya ang leeg ng babae.

"Hindi raw makakauwi ngayon si Rogelio."nananabik na wika ni Beth, "Angkinin mo ako buong magdamag, Gudo."

Muling naglapat ang kanilang labi. Mas naging masidhi ang paglalaro ng kanilang dila. Sa buong magdamag, naging piping saksi ang apat na sulok ng kubong iyon sa masarap na ritwal ng kamunduhan na pinagsaluhan nina Gudo at Beth.

Ang lihim nilang pagtatagpo ay nasundan pa nang nasundan sa mga sumunod na araw at mga linggo. Sa loob ng dalawang buwan, sa tuwing may buwanang dalaw lamang si Beth sila hindi nagtatalik ni Gudo. Si Beth na rin ang madalas na nagpupunta sa bahay ni Gudo sa gabi upang pagsaluhan nila ni Gudo ang init ng kanilang pagtatalik. Tanging iyon lamang ang naging ugnayan nilang dalawa. Wala silang anumang relasyon maliban sa ugnayang sekswal. Matapos nilang ibuhos ang init ng kanilang pagnanasa ay muling aalis si Beth sa bahay ni Gudo. Ganun lamang kasimple. Magkapitbahay ang turingan nila sa labas. Sa loob ng kwarto, magkalaro sila sa kamunduhan.

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

More stories...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento